Skip to main content

Ang Love is Isang Oxymoron


Oxymoron
noun, plural oxymora
[ok-si-mawr-uh, -mohr-uh] (Show IPA), oxymorons. Rhetoric
1. a figure of speech by which a locution produces an incongruous, seemingly self-contradictory effect, as in “cruel kindness” or “to make haste slowly.”.


Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin.

Ang labo diba? Pero ang linaw.

Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Amp!

Ano ba talaga?!

May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is only for stupid people." Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din si ate. At ayun, tanga na siya ngayon.

Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din.

O kaya paminsan, nagiging moron lang.

Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya. Ang

matitigas, lumalambot. (At tumitigas din ang mga bagay na madalas nama'y malambot.)

Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na "Ayoko na ma-inlove!" biglang Ola! Ayan na siya. Nang-aasar.

Magpapaasar ka naman.

Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo? Pero 'pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao? Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. "Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!" "Ang sarap mabuhay. Pwede na 'ko mamatay. Now na!"

At hindi lang 'yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos 'pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya! "Bakit niya 'ko sinaktan?" May kasama pang pagsuntok sa pader yon at pagbabagsak ng pinto.

Kainis talaga.

Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa 'pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya masasabi ko nang kahit paano eksperto na 'ko.

Pero wala pa rin akong alam.

Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa no?

Nakakaiyak.


Comments

Popular posts from this blog

10 Most Inspiring Women of Concentrix

Joan Villaceran, my top Team Leader has nominated me to have this prestigious award. Such a humbling experience. _ In celebration of International Women's Month last March, Concentrix Philippines launched a nationwide search for its' 10 MOST INSPIRING WOMEN for 2015. Guess who made it to the cut? Read on as Joan Villaceran talks and writes about some memorable anecdotes and why in the age of pop culture superstars, one need not look further and farther to find their personal heroes. _ A TRUE TRAILBLAZER She's no Beyonce nor Oprah Winfrey or someone who saved another one from death. But after I tell more about her and the things she has achieved and the valuable lessons she has generously given me, you will agree with me no doubt that she's no Marvel superhero- but a true blue, kick ass fireball of a person. And she's all woman. Like the rest of us, she started in this industry as an agent, gradually inching her way up to become a Quality Specialist,

Sagittarius Horoscope 2012

I just thought of looking at what horoscope experts say about Sagittarius in 2012. Sagittarius (Nov 22- Dec 21) Sagittarius horoscope 2012 Those who are born from November 22nd to December 21st are under the star of Sagittarius. Sagittarius horoscope 2012 brings lots of memorable and fabulous times this New Year for the Sagittarius. There will also be lots of new things in store for you due to your energy and passion which are incomparable. Generally, you have gentle and respectable qualities together with your high spirits which can be easily transmitted to people around you. Furthermore, you are so popular because you easily trust others, you are honest and you always keep your words even if the situation seems impossible. This year, have a positive outlook in life and try to leave behind bad experiences and happenings that have gotten in your way. You will be able to handle both good and bad occurrences that will come this year if you maintain your energy, sense of initiative

UP Town Center Open Kitchen

We saw Bella Padilla, Tunying, Cherry Pie Picache and Pokwang. There were a lot of food to try. Too bad I was feeling full when we get there. We get to try the burger and Tunying's Spanish and Loaf Bread. 😃 posted from Bloggeroid