Skip to main content

Love Your Woman

Ang galing ng lalaking nagsulat nito: I saw this from Facebook and I wanted everyone to read this and hopefully all men would understand and appreciate women. 

"Ang mga babae, madaldal/mabunganga." Oo, wala talagang tigil ang bibig nila sa pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapaalala nila sayo na oras na para inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanung sila kung kumain ka na ba, kapag ginising ka nila sa umaga upang hindi ma-late at sa mga pagkakataon na nag-aalala sila sayo at tinatanung kung nasaan ka na at bakit hindi ka pa umuuwi. 


Walang duda, madaldal nga. 

Hayaan mo na, balang araw, siguro magbabago din sila. Tipong maririnig mo lang ee "Oo", "Hinde" at "Pwede". Para kayong naglalaro ng Pinoy Henyo. Romantic siguro ng buhay nyo nun. "Ang mga babae, mashadong sentimental." Sinabi mo pa. Tandang tanda nga nila ang petsa at lugar kung saan kayo unang nag-date, isinulat niya din sa kanyang diary kung ano ang mga ginawa ninyo, nakatago at ingat na ingat siya sa mga larawan nyong dalawa, daig pa niya ang Smithsonian sa pag-aalaga ng mga iniregalo mo at kahit kailan hindi niya nalilimutan ang mga importanteng okasyon tulad ng anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo. 

Nakaka-inis ba? 

Ok lang yan, malay mo next time, hindi na siya ganun. Tipong i-aasa na lang niya sa Facebook ang iyong kaarawan. Tapos tamang post na lang sa wall mo ng "hapi bday". "Ang mga babae, emosyonal." They cry about movies. They get teary with a romantic novel. They blush and gasp upon seeing a picture of a cute dog or a cuddly baby. Bakit ba ganun sila? Buti na lang tayo hindi. Kinikimkim lang naten lahat ng emosyon sa loob hanggang sa sumabog at atakihin sa puso o di naman kaya ee magpapakalasingtapos magwawala at maghahamon ng wrestling. Di ba mas logical un? Madalas pa mag-imagine na ikakasal kayo sa simbahan. Lagi nag a-iloveyou, imissyou, take care at mwah mwah sa text. 

Asar ka na ba at nacocornyhan? 

Ayos lang yan. Darating din siguro ang time na titigil siya at isesend ang mga un sa iba. Women are probably the greatest gift to men, from God, beside beer and sizzling sisig. At para sken, women deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Sana lahat ng babae ay maging masaya ang lovelife. Sana, walang babaeng heart-broken, kasi, tayong mga lalake, we're meant to pursue them and it's okay if we fail from time to time. It's the way nature intended it. Gaya ng isang leon sa usa o pag-ikot ng earth sa paligid ng araw. Mas okay kung tayo na lang ung masasaktan. Ee sila? Isipin mo, nagkakaroon sila ng "dalaw" at nababaliw kada buwan, nabubuntis at nahihirapan ng 9 months, at pinaka matindi sa lahat, kailangan pa nilang panatilihing makinis at walang buhok ang kanilang mga kili-kili. Ano ba namang pasayahin sila at gawing "scar-free" ang kanilang buhay pag-ibig. And if you are with a great gal, do everything to make her happy. Don't ever break her heart. Wag kang magpa-uto sa mga statistics, na nagsasabing, mas marami ang babae sa lalake, kaya okay lang mang-chiks. 

Ano pa bang gusto mo? 

Hindi pa ba sapat na minahal ka niya sa kabila ng iyong pagiging engot at kawalan ng Romantic DNA sa katawan? Malaki man ang papolasyon nila sa mundo, napaka-liit ng tsansang makakilala ka ulet ng katulad niya na magtya-tyaga sayo. 

Tandaan, pansamantala ka mang maakit ng naglalakihang pulang high-heels o maaarteng makintab na sandals, mas masarap pa ring umuwe sa nag-iisang tsinelas ng buhay mo.

Comments

  1. Already saw it in FB. Nakaka tuwa. It was express in very simple yet straight to the point.

    ReplyDelete
  2. ADVANCE HAPPY BIRTHDAY, JET!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

10 Most Inspiring Women of Concentrix

Joan Villaceran, my top Team Leader has nominated me to have this prestigious award. Such a humbling experience. _ In celebration of International Women's Month last March, Concentrix Philippines launched a nationwide search for its' 10 MOST INSPIRING WOMEN for 2015. Guess who made it to the cut? Read on as Joan Villaceran talks and writes about some memorable anecdotes and why in the age of pop culture superstars, one need not look further and farther to find their personal heroes. _ A TRUE TRAILBLAZER She's no Beyonce nor Oprah Winfrey or someone who saved another one from death. But after I tell more about her and the things she has achieved and the valuable lessons she has generously given me, you will agree with me no doubt that she's no Marvel superhero- but a true blue, kick ass fireball of a person. And she's all woman. Like the rest of us, she started in this industry as an agent, gradually inching her way up to become a Quality Specialist,

Sagittarius Horoscope 2012

I just thought of looking at what horoscope experts say about Sagittarius in 2012. Sagittarius (Nov 22- Dec 21) Sagittarius horoscope 2012 Those who are born from November 22nd to December 21st are under the star of Sagittarius. Sagittarius horoscope 2012 brings lots of memorable and fabulous times this New Year for the Sagittarius. There will also be lots of new things in store for you due to your energy and passion which are incomparable. Generally, you have gentle and respectable qualities together with your high spirits which can be easily transmitted to people around you. Furthermore, you are so popular because you easily trust others, you are honest and you always keep your words even if the situation seems impossible. This year, have a positive outlook in life and try to leave behind bad experiences and happenings that have gotten in your way. You will be able to handle both good and bad occurrences that will come this year if you maintain your energy, sense of initiative

UP Town Center Open Kitchen

We saw Bella Padilla, Tunying, Cherry Pie Picache and Pokwang. There were a lot of food to try. Too bad I was feeling full when we get there. We get to try the burger and Tunying's Spanish and Loaf Bread. 😃 posted from Bloggeroid