Broken-hearted na naman ako. Sa gitna ng pakikibaka sa aking sarili - lalabas o mananatili sa loob ng aking munting paraiso. Pinilit kong itago sa kadiliman ng aking silid ang bawat alaala ng ating nakaraan, subalit, ang iyong alala ay kusang kumakawala, bumabalik sa mga di nawakasang nakalipas. ewan ko, natigilan ako’t napahinto, naisip kita. at sa pagpasok mo sa aking gunita ay kalungkutan ang aking nadama. kalungkutan na pilit kong tinatakbuhan at tinatakasan. nakakalimutan na kita. totoo. madami akong ginagawa. madami akong inaasikaso, or i should i say, i made myself busy with a lot of things. friends to spend time with, family, out-of town trips, Batangas at ang inaasikasong negosyo, and scores, yes ang scores, ang mga libro, ang mga pelikula at mga musikang pauli-ulit ko ng narinig. madami akong napagkaabalahan. trabaho - puro na lang trabaho. wala na kong ibang pinagkaabalahan sa mga oras na nagawa ko na ang lahat - kundi trabaho. wag kang magalala, okay n