Ang araw na ito ay napakahalaga sa kin.
Sana para sayo din.
Siguro naman, by this time, nakapagdesisyon ka na kung sino sa kanila mo ipagkakatiwala ang pag-unlad ng ating bayan sa susunod na anim na taon.
Hindi to biro. Hindi to subok-subok lang. Isang malaking responsibilidad ang nakaatan sa atin sa araw na ito sa ikatataguyod ng ating bansa.
Ohh, di ka rehistrado? Eh baket? And why didn't you take time to register? COMELEC has given you enough time to do it, why didn't you grab the ooportunity? Tsk. Too bad. Tapos ngayon sasabihin mo may pakialam ka? Eh bakit ngayon di ka pala makakaboto? That's just bad. You didn't realize the ramifications of your decision not to vote, una na, WALA KANG KARAPATANG MAGREKLAMO. Okay?
Well, okay, desisyon mo yan. Basta ako, boboto at kung ikaw din boboto, make sure to vote wisely. Sana lang di ka nadaan sa madaming commercials at TV ad. Sana di ka apektado ng nagbobonggahang endorser na artista.
Sana, MAG-ISIP KA. And pagdedesisyon ay ibase mo sa kung ano na ang kanilang nagawa at magagawa. Hindi ko rin alam kung anong kahihinatnan ng lahat ng ito sa mga susunod na oras, pero sana, sana talaga, maganda.
strip from: Election '92 -- Pugad Baboy 05, p. 39, strip 3.
Comments
Post a Comment